Ngayon, magliliwanag ang Liwanag ng malakas sa puso ng aking mga anak. Marami ang makakatuklas ng pag-asa at galing na pagsasanay.
Maminsan-minsang bumubuti ang pagdurusa upang mapalitan ito ng Pag-ibig sa lahat ng mga puso.
Mabubuklod sa iyo ang lahat ng bagay na nakikita mo.
Ito ay nangangahulugan na hindi na magiging pareho ang tingin mo sa lahat ng bagay na nasa paligid mo.
Hindi ko ginawa ang mundo upang mapagkaitan ito ng kanyang kahusayan, subalit upang magbigay ito kay tao ng pagpapahayag ng aking Pag-ibig. Lahat ng nakikita mo ngayon ay mawawala upang mapalitan ng tunay na kalikasan.
Ang Kalikasan ang katambalan ng tao; dapat itong muling buhayin siya sa kanyang kabuuan. Alas, dahil sa kasalaan, nagpinsala ang tao sa pinakamabuting bagay para sa kanya.
Ngunit sa pamamagitan ng aking Kapangyarihan na walang hanggan, babago lahat at babalik sa dati kong paglikha ng mundo.
Mahal kong anak, hindi na magiging pareho ang anumang bagay mula noon pa. Babaguhin lahat. Hindi naintindihan ng aking mga anak ang Pag-ibig. Marami ang mawawala, subalit mapapatawad ko ang maraming iba.
Magiging Liwanag ng Katotohanan muli ang Liwanag.
Mahal kong anak, salamat sa pagdinig mo.
Binabati kita at lahat ng mahalaga sa iyo.
Ang iyong Ama na nagpapatuloy na may Pag-ibig at walang hanggan ang awa para sa kanyang mga anak